Sunday, 18 December 2016



Mga dalawampong minuto na pagkasakay patungong timog galing sa syudad ng Dumaguete ay ang Bacong. Tinaguriang pinakamaliit na bayan sa lalawigan ng Negros Oriental ngunit huwag maliitin dahil sa taglay nitong mga lugar na patok na patok kung paguusapan ang turismo. Maaring mapuntahan sa pamamagitan ng pagsakay ng traysikel at jeepneys o kaya bus na sapin sa south bound route. 

 

Natagpuan noong 1801, ito ang lugar na pinagmulan ng rebolusyonaryong pilipinong bayani na si Pantaleon Villegas, o mas kilala bilang si Leon Kilat. Kaya sa pagibibigay pugay, ang monumento niya ay marilag na pinatayo sa kalagitnaan ng parke ng Bacong. Ang parke rin ay isa sa mga pinakamalinis na lugar sa Bacong na kung saan makikita mo ang mga bata na masayang naglalaro at mga pamilyang nagpipiknik.




Sa pagpunta sa lungsod ng bacong, ay maraming dako na pwedeng mong ma bisita rito. Isa sa mga talagang ipinagmamalaki ng mga Baconganons (tawag sa mga taong nakatira rito) ay ang sarili nitong natatanging simbahan, ang San Agustin Of Hippo Parish. Ang simbahang ito ay may pinakamataas na kampanaryo sa lahat ng simbahan sa Negros Oriental, may pinakalumang altar na may kalakip na gintong disenyo. 








Sa loob rin ng simbahan matatagpuan ang Pipe Organ na nanggaling pa sa Zaragoza, Spain. Naitalaga noong 1898 maikling sandali bago nangyari ang rebolusyon laban sa Spain sa Negros Oriental. Ito lamang ang Pipe Organ na katulad na makikita sa Bohol. At dahil talagang napangalagaan ng husto pati narin ang patyo at ang kumbento, ang San Agustin of Bacong ay isa sa dalawampu't anim na mga kolonyal na simbahan sa buong bansa na napili ng National Commission for Culture and the Arts para sa restoration.






















Isa pang lugar na maaring puntahan ay ang Negros Oriental Arts and Heritage (NOAH) na matatagpuan malapit lamang sa simbahan. Ang pabrika na ito ay bukas sa publiko sa karaniwang araw (monday to friday) kung saan ang mga banyaga at turista ay maaring makabisita para makakita ng mga iniluwas na matataas na kalidad na bato na ginagawa sa prosesong tinatawag na stone crafting. At ang produktong nagawa ay binebenta na maaring mabili ng mga turista o kahit ng mga lokal na mamayan bilang Philippine souvenirs. 












Kilala rin dahil sa mga dalampasigan nito. Maari kang makapunta sa iilang beach resorts and cottages upang makapagpiknik, lumangoy, o simpleng mag relax. At may isa ring resort na kung saan ay hindi mo dapat palampasin sa pagpunta sa bayan ng bacong, ang Bambulo Resort na kung saan ay abot sa kaya ang presyo ng entrance fee, napakalinis na resort at sa kanilang mababait na staffs.








Presented By: Rhodjun T.